Sa aking mahigit sampung taong pagta-trabaho bilang isang QA/QC Personnel (Mechanical/Welding/Civil/Structural) sa Pilipinas, Gitnang Silangan at ASEAN Countries, napansin ko na maraming kumpanya ang nangangailangan ng mga WELDER. Karamihan sa mga welder na kinukuha ng mga kumpanya ay Filipino, Indian, Thailander, Indonesian, Malaysian at Pakistani. Sa aking pagmamasid, mas gusto ng mga kumpanya ang mangagawang Filipino una, dahil sila ay marunong makipag-usap sa ingles, pangalawa, dahil sila ay magagaling na mga welder.
Subalit sa kasalukuyan, mahirap ang makakuha ng mga filipinong welder. Ang mga welder na magagaling ay nasa labas ng bansa at ang iba ay nasa malalaking kumpanya sa Pilipinas. Bunga nito, mayroong krisis sa availability ng mga magagaling na mga filipino welder.
Kaya sa ganang akin,napakahalaga ng Welding Training Center sa mga filipino upang magakroon ng lugar na pagsasanayan ng ating mga kababayan. At mas makakabubuti at makakatulong kung ang mga out of school youth ang magsasanay sa mga training centers na ito. Makakatulong ito para sa mga kababayan natin at para bumaba ang antas ng mga walang trabaho sa Pilipinas.
No comments:
Post a Comment